Genre: Literary Fiction
About GiboyLocation: Cainta Rizal, Philippines Home Region: Age:31 Website: http://www.artwanted.com/lotharki Favorite novels: lots though i'd rather write Favorite writers: marcelo, molina, ong, alcala, armamento; eco, orwell, forsythe, baudrillard; steinbeck, fulghum, wozniak, chabon; schulz, spiegelman, watterson, larson, and just recently pendergrast Favorite music: speed metal+jazz = "spazz" Non-noveling interests: music, short literature, cartoons, documentaries, computer games, instant coffee, banana chips, and old MetroPop Festival songs. |
Joined: November 4, 2003 This Year: Official Participant NaNoWriMo History: NaNoWriMo posts: 32 NaNoWriMo buddies: 14
|
|
Brief Author Bio: . . . . . . . . . |
|
Synopsis: "Kagabihan sa Silmaria"
. . .
hango sa isang makaluma't makabuluhang makinilyang-panlarong iniluwas sa pagtatapos ng ika-siyamnapu na dekada na siyang pinamagatang "Ang Pagtuklas sa Karangalan," (Quest For Glory V, Sierra On-Line 1998) tanging inihahandog para sa NaNoWriMo sa pagkakataong ito ang isang munting, mala-talinhagang kuwento ukol sa isang halos-lingid na manlalakbay sa kalayunan ng Islang Kaharian ng Silmaria, na kung saan sa kanyang mataimtim na pagsisiyasat' pagsusuri sa tulong ng mga bago niyang nakapanayam -- at sa kanilang walang-sawa't lubos na pakikipag-usap sa kanyang mga munting katanungan ukol sa kasalukuyang anyo ng Kaharian, mga mamamayan nito, mga puno nitong tagapamahala, ang siya nitong tanyag na Hari, ang mga taong kinikilalang mga tunay na bayani ng nayon, at ang makabuluhan nitong pangyayaring kanilang dinanas, kinapungyagian at nagunita nang may buong-pusong lakas at kalooban; sa gitna ng isang malubha at matinding digmaang -- mga higit na sampun-taon nang nakalipas sa panahong siya'y napahinto sa kanayunang isinasalarawan ngayon sa wikang tinubuan.
Excerpt: "Kagabihan sa Silmaria"
unang yugto - "Stone Temple Pilots"
. . .
magbuhat sa isang munti ngunit kakaiba at makabuluhang pangyayari noong nakaraang gabi, hindi lubos maisip ni Dodong ang kanyang buhay sa susunod na mga panahon magbuhat nang siya'y magising ng ubod ng aga kaninang madaling araw, pagkaidlip ng higit sa tatlo lang na mga oras; kung kaya't sa kanyang bigla niyang pagkakabangon sa mabigat at malamigang higaan ay kanyang lubos na natamo ang kakaibang kabagalan at pawang bilis ng panahon sa kanyang kina-uupuan. at nang sa tuwing siya’y napapamulat sa sinag ng araw ay kanya itong madaling isinisilong ng kanyang mga kamay, na pawang tinutusok ng sinag na yaon ang kanyang mga matang maga sa karanasan na kanyang natamo nang mga nakaraang oras.
pero kung kaya’t wala sa sarili ang kanyang pag-iisip sa mga sumunod na sandali ay siyang kumapa ng husto sa higaan at kanyang napansin ang kasuotan niyang pang ibabaw. nang kanya ulit itong isinuot na siya nitong ipinanloob sa may kaluwagan niyang salawal, bukod sa kanyang pagkaka-talukbong sa sarili na ang gamit ay ang makapal niyang pambalabal na pantulog at pansapin sa kama upang hindi siya makaranas ng isang malubhang sakit na kasalukuyang umuusbong ng bahagya sa nayong kanyang kinatatayuan, ay unti-unti niyang napansin ang biglang pagkaka-pagaspas ng dahon ng mga punong niyog, na bilang sa higit na dalawampu na pumapaligid sa kanyang pansariling tinitirhang silid, na siyang gawa sa adobe, hulma at minatigas na lupa, mga kisameng hinilarahan ng mga matitibay at mabibigat na kahoy mga limang dangkal ang agwat sa isa’t isa, at mga minatigas, hinabian, at mga tinuyong mga dahong galing din sa kaniyogan; na kung saan ito’y silang ginamit na pambubong sa munting kabahayan, na kung saan ay ito’y wasto rin sa kasalukuyan sa bilang ng mga kagamitan pambahay. lubos na kanya itong pinagmasdan ng sandali, kung kaya’t naalala nyang hanapin at hagilapin ang mga nawawala nyang kagamitan sa pag-guhit. agad siyang tumayo sa kanyang kina-uupuang higaan at nagpunta sa bandang sulok ng tirahang may kalapitan sa nag-iisa nitong pintuan, kung saan ay may mapapansin siyang mga naka-kalat na bote’t garapon hango sa mga nakaraan niyang mga lalagyan ng tinta; na siyang ginamit ng husto at sa higit na kalimitan, na halos di na niya pansin sa mga naka-lipas na panahon ang walang sawa niyang pagsusulat ng kanyang mga napupunang mga kuwento’t mithiin ng mga nakakasalamuha niyang mga tao magbuhat nang siya’y napadpad sa isla. ngunit sa pag-kakataong ito ay agad niyang naisip na malamang kanyang halos nakasama nya sa pagtulog ang mga kagamitang mga dalawa nang araw na niyang hinahanap. sa gayo’y napabalik tuloy siya sa higaan upang di lang nya ito mai-ayos ng mabuti bago siya lumabas upang ipagpatuloy ang kanyang walang-sawang pakiki-panayam sa mga taong kanyang unti-unting nakilala, kung hindi na rin ay sa isang munting pagkaka-taon na maaari pa niyang makita ang kanyang hinahanap na mga kagamitan sa panulat; na kanya ngang nakitang natakpan sa pagkaka-talukbong nito. muli niyang kinuha ang mga ito at kanya itong inilagay sa isang bayong, na siyang gawa sa minatuyong tiyan ng kambing at bakang parehong inihabi upang magawan ito ng isang napaka-tibay at kung kaya’t ubod din ng gaan na pansalakot sa sarili niyang likod gawa ng dalawa nitong paningkaw, at siyang lumabas ng kanyang munting tirahan upang siya’y makabati sa talas ng Haring Araw. . .
- - -
ikalawang yugto - “Counting Crows”
. . .
"anak ng tipaklong naman, kung bakit naman kaagad ako nagising sa umagang ito ay hindi ko na alam o tanda man, pero sana nawa’y makatulog ulit ako, sa pagkaka-hiling ko na matapos na ang panahong ito na halos mapatay pa ako ng di oras nang kung sinumang gustong maka-buntal o di kaya nama’y maka-balibag sa akin ng kanilang mga walang-awang mga kamao sa aking pisngi at tadyang; na kung saan e sa edad kong ito ay hindi na siguro pa ako makakapag-palabas ng kalahati ng aking katawan para sa isa pang babae magbuhat nang gabing yaon. kung papaano ko nakita ang aking buhay sa mga sususunod pang mga araw ay hindi ko na pa gaano alam; kung kaya siguro ay mas ninanais ko na ring hindi na mapahamak pa ang aking mga minamahal sa buhay nang dahil sa walang ulirat na pagkakataong yaon. at kung bakit pa naman ako nahunta sa ganoong kalagayan sa pagkakataong yaon ay hindi ko alam. subalit sa ngayon ay wala na rin siguro akong ibang maisip na magandang paaran para makalimutan ko pa ang lubos na pangyayaring yaon kung hindi ay siguro sa pagkaka-isip na lumuwas na lang ng lungsod at sa ibang lupalop na lang siguro ng Pilipinas ako mahinto’t mapapunta at manirahan nang mataimtim at matiwasay. ngunit sa bagay, may natitira pa rin sigurong munting kabataan sa aking dugo kung kaya’t parang gamay ko pa rin ang magpatuloy sa aking nararapat na gawin; at yun ay magpatuloy pa rin sa aking pang-kasalukuyang pamumuhay nang mayroong kahit papaano’y may munting katahimikan at katiwasayan na rin. kung papaano ko ngayon ito maisasagawa ng husto nang walang mapapahamak sa aking mga minamahal sa buhay, mga kapatiran kong matalik, at sa mga malalapit kong mga kaibigang halos nadamay na rin sa kagabihang yaon ay hindi ko pa gaano halos alam. ang buong pagkaka-alam ko lang ay buhay pa ako’t, nakaka-galaw pa sa awa ng Diyos, at nakakahinga pa rin sa tulong na rin siguro ng Punong Bathalang kay talino’t ubod ng patawa. . ."
- - -
Giboy's Writing Buddies
|
|


add as buddy
send NaNoMail
visit website